Guy Shared His Adventure Towards Achieving His Body Goal





Another netizen shared his adventure towards getting his body goal. His name is Raven and he posted this on his Facebook wall to help others to believe in them and a heads up to what will they encounter during the process as well as tips.

Read his post below:

NEW YEAR'S RESOLUTION

Sa 18 years kong pamumuhay dito sa mundong. Never kong nakita ang sarili kong dadating sa puntong ito. And finally, through the help (mentally, emotionally aaaaaaaand financially) of my dearest loved ones, family and friendos.

                   (Photo Credits To Raven)

Masasabi kong ito ang pinakamagandang naachieve ko sa buong buhay ko.

I grew up with a huge family, literal na malaki, through numbers and figures (figures as in shape ng katawan HAHA). I've been classified as chubby>overweight>obese by people around me. Wala talaga kong paki sa kinakain ko, basta masarap kain lang ng kain. Madalas din akong napapagkatuwaan dahil sa shape and laki ng katawan. Hindi madali pero sa 18 years ba namang ganun palagi masasanay ka nalang din diba? 😂

Isa pa yung feeling na, pupunta ka sa mall, makakakita ka ng magandang damit, tapooos titignan mo yung size. Tinanong mo yung max size. XL daw, e kahit pagsiksikan mo sarili mo dun hindi ka talaga magkakasya. Masasaktan ka lang. Ang ending lalayo ka nalang. Sasabihin pa ni ateng kausap mo try mo sa "large sizes" na large din ang prices. Ayun wala ka nang magawa kundi umuwi nang luhaan.

Sumasagi naman dati sa isipan ko na "sobrang laki ko na", "magdadiet na talaga ko", pero I still eat a LOT. Tina-try ko paminsan pero sobrang hirap talaga (alam nyo yan) lalo na kung di mo namomonitor, parang walang nangyayari, yung parang wala bang pag-usad, para bang umaasa ka sa wala (hugot yun hahaha). And so ayun na nga. Nakita ko yung tropa ko, nagulat ako as in shookt! Parang ganito 😱. Hahahaha. As in yung collar bones pak na pak lalo na yung bewang tsaka tiyan na naglaho nang parang bula. Sinabi nya she went through a weight loss program. And without a doubt sabi ko sa kanya "sasama ko... Mga after ng new year." Ayun, pasko hanggang Dec. 31 kinain ko na lahat ng gusto kong kainin, lamon, inom, walwal (jk walang ganon hahahaha good boy po ako).

                                     (Photo Credits To Raven)

Nag set ako ng new year's resolution na magdadiet ako sa susunod na taon. Pagdating na pagdating ng Jan. 1, 2017, as in nagtakal ako ng 1 rice every meal ganun hanggang Jan. 9 kung saan ako nagstart mag weight loss program. Nag umpisa ako around 243 lbs (110 kilos). Tas tuloy tuloy na yun. January-May, I went through ups and downs but I can say...

                                     (Photo Credits To Raven)

It was a learning process.

Hindi yung kumain ka ng one rice ngayon, eexpect mo mamaya wala ka nang tiyan. Edi na tegi ka na dun diba hahaha joke. Hindi yun ganun. Sobra ring daming temptations sa paligid kaya kelangan ng matinding disiplina. You always wanna have some time para magpapawis kasi need rin yun ng katawan mo. Tas yung tipong gutom ka itutulog mo nalang tapos sasabayan pa ng school works. Di ko rin alam kung pano ko nasurvive yun e. Siguro matagal ko na ring iniisip na "ano kayang itsura ko pag payat", mga tipong ganon. Tapos "magustuhan nya kaya ko kung payat ako" (HAHAHAHA JOOOOKE 😂). And so ayun na nga ulit. Mga end ng May umabot ako ng 168 lbs (76 kilos). At that time, Nakapagbawas na ko ng mga 70+lbs (34kg). Dun na ko tumigil sa puspusang pagbabawas ng kain.

    (Photo Credits To Raven)

But then, another struggle, "weight control". Syempre hindi na pwedeng balik sa dating paglamon. Tho tinry ko mga 1 week after kong magdiet, yung feeling na yung mga pagkaing hindi ko man lang matikman sa loob ng ilang buwan, kinain ko. Laban! Ang ending, di yun nagustuhan ng tiyan ko. Nag start rin akong magcheat (sa pagkain ah, loyal po ako 😂) kapag may nagyayaya tsaka paborito ko yung ulam. Tas dadating sa punto na dahil sa sobrang stress hindi mo mapigilan ang pagkain. Pero I always try na bumawi kapag nasa mood na ulit ako magbawas ng kain.

    (Photo Credits To Raven)

Ayun. Masasabi ko lang this year was a BLAST! Andami kong natutunan at mga bagong taong na nakilala, bagong bagay na hindi ko magawa nung panahong alam nyo na (ex.: mag jogging, hmmm. Teka wala pala kong ex. hahaha dami kong joke no?).

Salamat sa mga naniwala at pati na rin sa mga hindi (at nag judge? na I hope wala naman).

Basta ang masasabi ko lang kung may mga taong hahatak sayo pababa, pilit na sisirain ka, at the end of the day kung maniniwala ka lang sa sarili mo, balewala yang mga pinagsasasabi nila. Just keep on trusting and believing in yourself FIRST before anybody else. Strive for change but always strive to change for the better.

Naisip ko lang ipost to para baka sakaling makatulong to sa mga taong nangangailangan ng booster para sa kanilang new years resolution. Na wala naman talagang imposible. New year is an optimal time (nuxx) para magbago para sa ikabubuti mo. Tara! Sabay-sabay tayong mag diet HAHAHA.

Alam kong hindi pa dito natatapos ang journey ko. Sobrang dami ko pang pagdadaanan, mga dapat matutunan at iimprove sa sarili ko. Malayo pa tayo sa sinasabi nilang "ideal" pero alam kong makakarating din tayo dun. Sa ngayon, masaya na ko sa kung anong meron ako. ☺

    (Photo Credits To Raven)

Aaaaaand ayun na nga. Salamat sa time. HAPPY NEW YEAR! Peace out! ✌

#share #believe #achieve

So what do you think about this article? Let us know your thoughts by simply commenting on the comment section located down below. Thank you for visiting our website.

Source: Raven

Share this Article!
Visit and follow our page: Boy Healthy
© Boy Healthy


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
All material on this website is provided for your information only and may not be construed as medical advice or instruction. No action or inaction should be taken based solely on the contents of this information; instead, readers should consult appropriate health professionals on any matter relating to their health and well-being. Thank you for being considerate.

SHARE THIS ARTICLE:



Guy Shared His Adventure Towards Achieving His Body Goal Guy Shared His Adventure Towards Achieving His Body Goal Reviewed by Legit on 10:48 PM Rating: 5